Natapos na ang first sem ko bilang kolehiyo. Nagbakasyunan
na ang lahat. Salamat at wala akong bagsak. Pagkauwi ko sa amin ay ikwinento ko
kaagad ang mga grades ko kay tito Danny.
“Wow, Ron, ang talino mo talaga. For sure, magiging proud na
proud sina mama at papa mo nyan. Dean’s lister ka pa” puri sa akin ni tito
Danny.
“Tumawag na nga ako kina mama tito, gusto ko nga sanang
umuwi kaya lang mageenroll pa ako e. Di tuloy ako makapagbakasyon.” Sabi ko sa
kanya.
“Ay ganun ba. Teka. Tamang tama, may outing kami ng mga
kafederasyon. Sumama ka nalang sa may Batangas lang naman yun.” Aya ni tito.
“Hala tito baka ma-out of place ako nyan” sabi ko sa kanya.
“Gaga. Puro mga beki din ang sasama tsaka mga boyfriend
namin. Wag ka magalala isasama ko si Benjie at Ralph. Syempre si lavi davi ko
na si EJ. Kaya magimpake ka na, bukas na bukas na din tayo aawra” at nahikayat
na nga ako ni tito Danny.
Kinaumagahan kumatok sa pinto ko si Benjie, pormang porma.
Excited na daw syang magbeach, nagkabalentong balentong pa dahil ayaw tanggalin
ang shades. Sumakay kami sa van at andun na nga si tito Danny, EJ at Ralph.