“Denver, aalis muna ako ng ilang araw kayo na muna bahala
dito. Tope, pakidiligan ng mga halaman ko a.” ani ni tita Rina.
“Sige ma. Ingat kayo.” Sabi ni Denver.
Magbabakasyon muna ng ilang araw si tita Rina sa amin sa
Bulacan. Kaming tatlo lang ni Denver at ni Tope ang sa bahay. Kumakain kami ni
Denver nang umalis si tita.
“Tope sabay ka na dito” alok ni Denver.