Malapit na magpasukan. Gipit na gipit na ang pamilya ni Bryan para maipagpatuloy pa ang kanyang pagkolehiyo.
Housewife ang nanay ni Bryan habang jeepney driver ang kanyang ama. Nang kumalat ang pandemya, nahawaan ang kanyang ama at pumanaw. Di na nila nakita ang bangkay nito dahil dineretso na sa crematorium. Panganay sa apat na magkakapatid si Bryan at mag 4th year college na sana itong darating na pasukan ngunit mukhang mahihinto ito dahil sa ayuda nalang ng gobyerno sila umaasa ng pang-kain.
Nanay: Bry, hinto ka muna sa pag-aaral ha. Pangarap talaga namin ni tatay mo na mapagtapos ka. Kung hindi lang sana nagkaletse letse etong Pilipinas.
B: Ok lang ma. Maghahanap muna ako ng trabaho para mapagpatuloy nila totoy ang pag-aaral nila. Kahit mapagtapos man lang sila ng hayskul.
Nanay: Sorry talaga anak ha. Di namin kayang ibigay ang dapat na sa inyo.
B: Wag na po kayong umiyak nay. Malalampasan din natin to.
Malungkot palagi ang bahay nina Bryan. Halos ibenta na nila lahat ng gamit para lang mairaos ang pangaraw-araw.
Nang inalis na ang ECQ nagsimula nang maghanap ng trabaho si Bryan ngunit nabigo ito. Sa daming inapplyan ay mas kinukuha ng kompanya ang mga may experience na na natanggal sa mga nagsarang kompanya. Ang tulad nya na di pa nakapagtapos at wala pang experience ay hirap makipagkompetensya.
Ilang araw palakad lakad sa EDSA si Bryan. Naghahanap ng pagkakakitaan. Halos mawalan na sya ng pag-asa at umiyak sa kalye nang biglang may nakakita sa kanya.
Estranghero: Psst. Pogi. Papunta ka bang Monumento. Hatid na kita.
B: Ahh. Sige, ok lang po.
Estranghero: Wag ka nang mahiya. Libre to.