Hi. Ako nga
pala si Justine, 2nd year college student na nagaaral ng education
dito sa Manila. Galing ako sa Mindoro, grumaduate ng salutatorian kaya dito ako
pinagaral ng aking mga magulang. Nakatira ako sa boarding house kasama ng aking
pinsan sa kwarto. Ang pinsan kong si Micko ay nagtatrabaho sa pagawaan ng
alcohol malapit sa boarding house.
Nung nagdeklara
ang pangulo na maglalockdown na sa Metro Manila, dali-daling nagimpake si Micko
pauwi ng Mindoro. Uuwi din sana ako kaya lang ipapalipas ko muna ang dami ng
pasaherong nagkukumpulan sa mga terminal. Baka magkahawaan pa.
Nung
sumunod na araw nakauwi si Micko. Mag-isa lang ako sa boarding house at halos lahat
ay nagsiuwian sa kani kanilang probinsya. Lalo akong nalungkot ng malaman na
naenhanced community quarantine na ang buong luzon at di na ako makakauwi pa.
Buti nalang
ay nagpadala ang ate ko sa abroad ng gagastusin ko sa dalawang buwan kaya agad
agad nagpanic buying ako.