Submit your Stories!

Friday, April 2, 2021

Pagkayod ni Bryan Part 6- Biktima ng Pandemya


Magiisang taon nang kolboy si Bryan. Nung nakaraang taon ay pesko pang maituturing ang binata at hindi pa mulat sa kalakaran ng laman. Ngayong taon ay patuloy pa din ang community quarantine at mahirap pa rin makahanap ng trabaho. Sa pagiging kolboy ay nabubuhay ni Bryan ang kanyang pamilya at nakakapagaral ang kanyang mga kapatid. Nabigyan nya rin ng puhunan ang kanyang ina para magsimula ng online business at kahit papano ay kumikita na rin. Nakapag-down na rin sya ng motor upang mas mapadali ang kanyang pagbyahe papunta sa mga raket. Hindi na naging matanong ang kanyang pamilya sa trabaho ni Bryan dahil naririnig rinig na rin nila sa mga kapitbahay na palagi daw may sumusundo at humahatid kay Bryan na iba ibang bakla. Marahil ay laspag na nga si Bryan sa pagiging kolboy ngunit naalagaan nya na rin ang kanyang sarili. Kuminis na ito at pumuti, ang katawan ay malaki pa din dahil nakabukas na ang gym bakal malapit sa kanila. Alam nyang puhunan nya ang hitsura at katawan sa ganitong kalakaran.
Sa gym, may nakilala si Bryan, si Macoy. Si Macoy ay senior high school student na di na nakapagpatuloy sa kolehiyo dahil sa hirap ng buhay. Nawalan ng trabaho ang kanyang ama at ina habang sya ay namamasukan bilang tagabantay ng gym. Mabait na binata si macoy, maamo ang muka, malinis ang gupit, nasa 5'9" ang tangkad, at dahil ay nasa gym, malaki na din ang dibdib at braso nito. Dahil tumutulong sa simbahan ang nanay ni Macoy ay relihiyoso ang pamilya nito. Makikita sa kanyang mga post sa facebook ang mga bible verses at pasasalamat sa taas kahit na maraming pagsubok sa buhay.


Isang umaga sa gym,
Macoy: O, kuya Bryan, putok na putok na dibdib natin ah.
Bryan: Syempre, kelangan ko ng katawang pangromansa
M: Aaaa Kuya, sorry ha, tanong ko lang, san ka nagtatrabaho ngayon. Mukang nakakahinga na nang maayos pamilya mo noh
B: A yun ba, may raket raket lang jan sa tabi tabi
M: Isama mo naman ako. Lubog na lubog na sina mama sa utang e. Si papa nga makailan na ring buwan bakante sa trabaho
B: A ganun ba. Makakahanap din yun.
M: Sige kuya ha, pag may alam ka sabihan mo ako. Promise gagalingan ko.
Habang nasa gym ay biglang may nagmamadaling pumasok na bata, kapatid ni Macoy.
Bata: Kuya Macoy! Kuya Macoy!
M: O, Teptep, ano yun?
T: Kuya, si mama, pinabaranggay. Di daw makabayad utang.
Dahil sa mga tsismoso at tsismosa ang nasa lugar ay lahat sila ay tumungo sa Barangay Hall at nandun ang nanay ni Macoy nagmamakaawa sa isang babaeng negosyante.
Inay: Ma'am... Please maawa na po kayo, kunting palugit pa po.
Negosyante: Ay naku. Ilang buwan nang ganyan! Dapat siguro sa pulis na ako humingi ng tulong.
Inay: Ma'am, bigyan nyo pa po ako ng panahon, makakahanap naman po ng trabaho ang asawa ko.
Kapit na kapit na ang nanay ni Macoy sa babaeng negosyante. Dahil din siguro sa awa ay mukang lumamig lamig na rin ang ulo ng Negosyante.