Isang pamilya sa Tondo Maynila ang namumuhay ng masaya at maayos. Si Aleng Nena ang nanay nasa 53 anyos na at ang tatay ay si Mang Nestor 55. Meron silang tatlong lalaking anak. Si Philip 32, Rumuel 30, at ang bunsong si Oscar 28. Merong malaking tindahan ng bigas si aling Nena na minana nya pa sa kanyang mga magulang. Katabi nito ang kanilang gym kung saan nagbubuhat ang kanyang asawa at mga anak. Meron din silang paupahan sa katabing lote.