Naging linggo linggo na ang sesyon ni Randy kasama si Sir Martinez at Neil. May paminsan minsan ding nagbobook sa kanya na mga parlorista kaya kilala na sya sa bayan bilang isang kolboy na albularyo. Dahil sa usap usapan, nagalit si Father Steven na kura paroko ng bayan.
Minsan sa homiliya ay nabanggit nya na ang naniniwala sa albularyo ay walang paniniwala sa Diyos. Nakarating ito kay Randy at hindi nya ito nagustuhan dahil makakasama ito sa kanyang kabuhayan.