Submit your Stories!

Thursday, November 1, 2018

Ang Probinsyanong Escort




Ang kwentong ito ay tungkol sa isang laki sa hirap na probinsyanong si Arman. Bata palang si Arman ay pinagratrabaho na ito ng mga magulang sa kanilang bukirin, para magkarga ng niyog, mag-copra at kung anu ano pa. Minsan ay hindi na ito pinapapasok sa school tuwing anihan at taniman. Si Arman ang panganay sa pitong magkakapatid, dahil salat, naglalabada ang kanyang nanay habang sila ng kanyang tatay ang gumagawa sa bukid. Nagbago ang lahat ng ito ng tumungtong na ng 17 si Arman. Kahit 17 pa lang ay malaking bulas na ito. 6 footer si Arman at malaki ang katawan dahil sa kakatrabaho. Maamo ang muka nito at napakainosente. Matangos ang ilong nito at may maaamong mata. Mabait si Arman, dahil sa kahirapan ay mahiyain ito at di nakikihalubilo sa mga tao sa bayan, tuwing nagbebenta lamang sya ng mga ani bumababa sa bayan.