Submit your Stories!

Monday, October 8, 2018

Ang Kauna-unahan ni Brent


Hello everyone I’m Brent. 26 years old na ako ngayon working as a freelance graphic artist. Bata palang ako ay alam ko nang attracted ako sa boys. Pero growing up in a family na walang gays, mahirap talaga. Nang nakitaan nila ako ng pagkamalambot ay inaasar nako ni papa at ng iba kong
mga kapatid kaya pinili kong ikimkim at itago. Pinakamahirap was when I was in grade 5, I was bullied everyday. Araw araw may grupo ng mga lalaki sa class namin na tinatawag akong Brenda, at nagbabaklabaklaan. Nakakalungkot gumising na alam mong masasaktan ka lang at kukutsain, minsan naisip kong magpakamatay nalang or winiwish ko na sana mabundol ang mga bully at mamatay na. Pinipilit kong maging normal na lalaki, minsan pa ay binuo ko ang simbang gabi para humiling sa diyos na gawin akong normal. Ayoko ng ganito, ayokong maging bakla, pero bakit ganun, di ko mapigilan. Nagbago ang lahat ng maranasan ko ang aking kauna-unahan.
May nagka-crush sa akin dahil sabi nila cute daw ako, maputi at kahit papano ay may ibubuga sa school, di nga lang sporty. Kinikilig naman ako sa mga babaeng nagkakagusto sa akin pero pakiramdam ko ay mandidiri sila pag nalaman nilang nanonood ako ng gay porn at nag-iistalk ng mga gwapong lalaki. College ako noon dito sa isang University sa Manila. Dahil bagong mundo, gusto ko maging bagong tao, pinilit kong magpakatigas kahit ang iba ay ladlad na ladlad na pinili kong maging pamintang buong buo, marahil na rin ay para sa pamilya at ayoko nang maranasan ang pambubully na naranasan ko ng grade school. May nagkakagusto sa aking babae, pero kaibigan lang ang turing ko sa kanya, nagbibigay sya motibo pero kahit papano ay conservative, hinihintay nya lang akong mauna, sa tingin nya ay torpe ako pero di nya alam na iba ang tibok ng puso ko.
Sa isang subject namin, 2nd year, calculus, may mga kasama kaming irregular students. Isa dito si Ryan. Ry ang tawag sa kanya ng kanyang mga kaibigan. Mukang mabait ito gwapo, mabuti, at may pagkasingkit dahil Tan ang apilyido, half chinese ang tatay nya at may hardware sila sa bayan nila. Nakatabi ko si Ry sa upuan at palaging napapatingin ako sa kanya. Normal sa akin na mapatingin kung may pogi. Nahuhuli ko rin syang napapatingin sa akin. May kasama palagi syang babae, si Rachel, irregular din, 3rd year silang nagtitake ng 2nd year subjects.
“Sana naman makapasa na kami ngayong sem” biro ni Ryan.
“Oo naman, mabait naman yan si Sir, sure pass daw basta konti lang yung below 75.” Sagot ko sa kanya.
At nagkausap na kami, at nagkakilanlan. Mabait ito, at palabiro. Lalo pang lumalim ang pagsasamahan namin ng palagi nya akong yayain mag-cr pero kakain pala sa canteen, magpapaalam kaming magbabanyo pero pagbalik ay may dala ng turon o burger. Mahilig din ito sa anime gaya ko may mga similarities kaming pinagbobondingan. Palagi na kaming magkasama at naikwento nya sa akin na tibo pala si Rachel at may syota ito sa ibang school.
Midterms noon at kailangan nyang humabol ng grades para maisalba ang bagsak nyang prelims.
“Brent, overnight study naman tayo baka magaling ka naman itutor mo ako” anyaya ni Ryan.
“Naku Ry, kung nagpapractice ka sanang magsolve e master mo na lahat” sagot ko sa kanya.
“Eto naman parang hindi kaibigan e tayo nalang nga ang nakakapagtiis sa isat isa” sagot ni Ryan.
“Sige sige, mamaya magluto ka ng masarap a” sabi ko sa kanya.
Taga probinsya si Ryan kaya nagrerent sya magisa ng apartment malapit sa school. Dumating ako sa unit nya at pinakain nya naman ako ng special nya daw na afritada.
“masarap ba?” tanong nya sa akin.
“pwede na rin.” Sagot ko sa kanya, tuwang tuwa ito ng mapuri ko. Palagi kasi kaming nangaasaran.
Nagtutorial session na kami at inabot na ng ala-una ng madaling araw ng dalawin sya ng antok.
“Bukas magpapaalarm ako ng 5, tsaka na tayo magpatuloy. Ang bigat na talaga ng mata ko” sabi nya sa akin at nakatulog na nga sya sa kama.
Gusto kong biruin si Ryan kaya kinuha ko ang cellphone nya para picturan syang tulog. Nang maunlock ko ang cellphone nya at pincturan sya, chineck ko ang gallery nya at nagulat ako. May porn, gay porn. Nanlaki ang mata ko. Bading din pala si Ryan.
Kinaumagahan ay nagpatuloy ang aming tutorial. Ngayong nalaman ko na ang kanyang sekreto ay naiilang na ako sa kanya. Pakiramdam ko ay may gusto sya sa akin dahil bading sya. Pakiramdam ko yun dahil kahit ayaw kong aminin, nagkakagusto na rin ako kay Ryan. Nalulungkot din ako dahil alam ko ang pinagdaraanan nya, ang maging iba, ang pagtago sa closet, ang pagpigil ng kung sino ba talaga sya.
Gusto kong umamin sa kanya pero di ko pa rin kaya. Dahil kahit ako, di ko tanggap ang aking sarili.
Natapos na ang midterm at namasyal kami sa mall at nanood ng sine. Lalo akong naiinlove pag tumatawa sya, muka itong pure at sincere. Papauwi, imbis na normal fistbump lang kami, niyakap ko sya, yakap na parang tropa, niyakap nya naman ako. Nakangiti akong umuwi.
Itutuloy…

No comments:

Post a Comment