Submit your Stories!

Showing posts with label ang kerido. Show all posts
Showing posts with label ang kerido. Show all posts

Saturday, May 15, 2021

Ang Kerido Part 1

 


Ako nga pla si Kerwin, ang kwentong ibabahagi ko ay ang mga kaganapan noong ako’y 12 years old pa lamang. Marahil ay mura pa ang aking edad pero dito ako natutong lumaban sa mga hamon sa buhay.

Nakatira kami sa isang bahay sa Maynila, malapit sa isang kilalang ospital kung saan ang aking ina ay nagtatrabaho bilang nurse. Ang aking ama naman ay kapitan ng barko at minsan lang umuuwi. Dahil sa nasa ibang bansa ang aking ama at tanging bumababa lamang ng isang buwan sa buong taon ay di malapit ang loob ko sa kanya. Ang karamihan sa mga kaibigan ko ay mga babae at ang mga nilalaro at pinagkwekwentohan namin ay tungkol sa mga pangbabaeng mga bagay bagay. Palagi din akong tinutukso na bading sa aming eskwelahan na sadyang nakakapanlumo at minsan ay ayaw ko nang pumasok. Payat ako, maputi dahil maputi pareho sina mama at papa. Nasa tamang tangkad lang ako para sa dose anyos, kakapatuli ko lang din last year. May isa akong kapatid na 4 years old. Si Baltazar, matalinong bata ang aking kapatid na magaling magpiano at nakakapagbasa na sa murang edad. Paborito sya ng buong pamilya dahil sa pagiging cute at malambing nito. Mahal na mahal ko ang aking pamilya at sana ay palagi kaming masaya.