“Anak, wag na wag kang matatakot kahit kanino pa jan. Alam mo namang malakas tayo sa batas” ani ni Senior Police Officer Rolando Perez.
“Naku daddy, takot na takot nga yung mga kaklase ko sa school e. Pag sinabi kong “bigyan moko ng pagkain” binigigyan ako ng pagkain” pagyayabang ni Axel, 14 years old.
“Aba dapat lang. Ganyan dapat. Sige Anak kain na tayo. Naghanda na ba si Ate Cora?” Tanong ng tatay.
“Opo Sir, anjan na yung food na favorite na favorite ni Baby Axel. Fried Chicken!” Biro ng katulong nila na si ate Cora.
“Ano ba Ate Cora! Hindi na ako baby!” Naiinis na sagot ni Axel.
Kumain na ang mag-ama. Sina Senior Police Officer Rolando Perez at ang anak nya ay nakatira sa isang bayan sa Zambales. Kakaunti lang ang populasyon ng kanilang barangay at ang mag-ama ang naghahahari-harian dito. Iniwan na ng ina ni Axel ang pamilya dahil sa pangmamaltrato ni Rolando. Hindi nya nakuha ang anak dahil binataan syang papatayin ang buong pamilya nito pag lumapit pa muli sa anak.