Alas tres nang madaling araw. Nag anunsyo na ang kapitan.
Dumaong na ang barko. Ang ibang tao ay nagmadali nang bumaba ngunit naghintay
muna ako ng kargador para may magdala sa sobrang bigat kong dalahin. Habang
nakaupo ay biglang may pumatik sa likod ko.
“Kelangan mo nang porter?” Tanong sa akin ng isang kargador
na nakauniporme.
“Oo kuya, eto o.” sagot ko sa kanya habang tinuturo ang mga
bagahe ko.
Kinuha ng kargador ang mga bagahe ko, ng mailawan ang
kanyang muka ay bigla ko syang nahitsurahan.