Submit your Stories!

Showing posts with label hunk. Show all posts
Showing posts with label hunk. Show all posts

Wednesday, November 22, 2017

R-Diaries Part 13 - Ang Kontesero na si Marco



Natapos na ang first sem ko bilang kolehiyo. Nagbakasyunan na ang lahat. Salamat at wala akong bagsak. Pagkauwi ko sa amin ay ikwinento ko kaagad ang mga grades ko kay tito Danny.
“Wow, Ron, ang talino mo talaga. For sure, magiging proud na proud sina mama at papa mo nyan. Dean’s lister ka pa” puri sa akin ni tito Danny.
“Tumawag na nga ako kina mama tito, gusto ko nga sanang umuwi kaya lang mageenroll pa ako e. Di tuloy ako makapagbakasyon.” Sabi ko sa kanya.
“Ay ganun ba. Teka. Tamang tama, may outing kami ng mga kafederasyon. Sumama ka nalang sa may Batangas lang naman yun.” Aya ni tito.
“Hala tito baka ma-out of place ako nyan” sabi ko sa kanya.
“Gaga. Puro mga beki din ang sasama tsaka mga boyfriend namin. Wag ka magalala isasama ko si Benjie at Ralph. Syempre si lavi davi ko na si EJ. Kaya magimpake ka na, bukas na bukas na din tayo aawra” at nahikayat na nga ako ni tito Danny.
Kinaumagahan kumatok sa pinto ko si Benjie, pormang porma. Excited na daw syang magbeach, nagkabalentong balentong pa dahil ayaw tanggalin ang shades. Sumakay kami sa van at andun na nga si tito Danny, EJ at Ralph.