Submit your Stories!

Showing posts with label si ronnel at ang kargador. Show all posts
Showing posts with label si ronnel at ang kargador. Show all posts

Saturday, February 10, 2018

R-Diaries Part 18 - Ang Kargador na si Erwin




Dumating na ang bispiras ng pasko. Nagsimba ako kasama sina mama at papa bandang alas 10. Sa simbahan nakita ko si Erwin kasama ang dalawa nyang anak. Maliliit pa ito at mukang nahihiya si Erwin nang nagkatitigan kami hawak hawak ang bunso nyang baby palang habang hinahabol ang mga nasa dalawang taon nyang panganay.
Pagkatapos ng misa ay umuwi na sina mama at papa ng bahay habang ako naman ay kinausap pa si Erwin. “O Erwin, kamusta? Ang cute naman nitong baby mo” sabi ko sa kanya.
“Syempre mana sa tatay e. Uuwi ka na ba? Daan ka sa bahay, kain lang ng konte.” Alok nito.

Tuesday, October 24, 2017

R-Diaries Part 1 - Ang Kargador na si Erwin


Ako nga pala si Ronnel, tubong Marinduque. Bata pa lamang ay alam ko nang iba ako sa karaniwang batang lalake. Karamihan ng mga kaibigan ko ay mga babae at mahilig ako sa maglaro ng manika at bahay bahayan. Palagi akong tinutukso ng mga kapwa ko batang lalake na bading; maski ang tatay ko at mga kapatid ay tinutukso din ako. Bunso ako sa tatlong magkakapatid at nagiisa akong lalaki. Nagagalit ang aking ina sa tuwing binubully ako kaya’t pinilit kong itago ang tunay kong nararamdaman ngunit di maalis ang pagiging malambot ng aking mga galaw at paltik ng aking mga kamay. Lalong umusbong ang pagiging iba ko ng ako’y grade 5 pa lamang.
Bakasyon nun at malapit ng magpasukan, bilang isa sa pinakamatalino sa section 1 ay kelangan naming pumunta sa eskwelahan upang maglinis at magayos ng gamit. Pagdating sa school, nakita ko ang aking malalapit na kaibigan, si Grace at si Sheena at nagkwentuhan kami tungkol sa aming summer vacation. Dahil isang building lang ang grade 5 at grade 6, andun din ang ibang grade 6 at nabaling ang aking tingin kay Erwin. Ang edad ni Erwin ay pang 3rd year high school na, ngunit pabalik balik sya sa grade 6 dahil palaging absent kakapart-time bilang kargador sa palengke. Dahil kargador, malaki ang katawan ni Erwin. Sa kanyang taas na 5’8” ay umbok na umbok ang kanyang dibdib, malapad ang likod, malaking mga braso at sa tuwing pupunasan nya ang pawis sa kanyang mukha gamit ang kanyang tshirt ay nakikita ang kanyang abs. Gwapo si Erwin, escort sya palagi ng mga nananalo sa beauty contest sa bayan namin at nagtitilian ang mga parlorista pag dumadaan sya. Matangos ang kanyang ilong, matapang ang mga mata at kayumanggi ang balat.